Sugatan ang 16 katao sa napaulat na firing incident sa Oxford Street sa London.
Nagdulot ng panic at pangamba ng terorismo ang nasabing report.
Kaagad nagsagawa ng lockdown ang mga awtoridad sa nasabing lugar ng mahigit isang oras bago ianunsyo ng Metropolitan Police na wala silang makitang mga suspek at ebidensyang may nagpaputok o nagkaroon ng putukan sa area.
Naniniwala ang British Transport Police na nagsimula ang takot sa away ng dalawang lalaki sa Oxford Circus Underground Station.
Umapela ang mga awtoridad sa publiko sa anumang impormasyon hinggil sa insidente o kung anuman ang naging dahilan kayat nag panic ang mga tao at umalis sa istasyon.
—-