16 na indibidwal ang naaresto ng Hong Kong-Macau pulis dahil sa kasong credit card fraud.
Nakuha rin ng mga awtoridad sa mga suspek ang isang computer, mobile phone at bank cards.
Ang mga suspek ay pawang mga 21 hanggang 71-anyos, at kasalukuyang nasa kustodiya ng Hong Kong Police habang nililitis ang kanilang kaso.
Kaugnay nito, hinikayat ni Senior Inspector Chow Tsz-Kin ng Cybersecurity and Technology Crime Bureau, ang publikona regular na i-check ang kanilang mga bank transaction upang maiwasan ang mga scam. —sa panulat ni Mara Valle