Nasa 16 na lugar na sa buong bansa ang isinailalim sa state of calamity bunsod ng mataas na bilang ng naitatalang kaso ng dengue.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council Executive Director Usec. Ricardo Jalad, kabilang sa mga lugar na ito ang Dingalan, Aurora; Cavite; Calamba, Laguna; Barangay Punta-Baja, Rizal, Palawan.
Gayundin ang Pontevera at Roxas sa Capiz; Maasin, Iloilo; Culasi at Sebaste sa Antique, Leyte, Samar, Eastern Samar at mga bayan ng Tantanga at Nurala sa South Cotabato.
Tiniyak ni Jalad, nagpapatuloy naman ang kanilang pagmomonitor sa iba pang mga lugar na tumataas na rin ang dengue case.
Magugunitang idineklara na ng Department of Health (DOH) ang national dengue epidemic makaraang lumubo sa halos 150,000 ang naitatalang nagkasakit ng dengue kung saan mahigit 600 ang nasawi.