Nasa 16 na milyon na ang bilang ng mga bakuna kontra COVID-19 na naiturok sa buong bansa mula nang simulan ito noong Marso.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer at Testing Czar Sec. Vince Dizon, sa nasabing bilang ay mahigit 5 milyong indibidwal ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.
Maliban pa dito, lumalagpas na rin aniya sa daily average ang nababakunahan sa Metro Manila sa isang araw.
Sinabi pa ni Dizon na nalampasan ng NCR ang daily vaccination target na 120,000 makaraang umabot sa 130,000 hanggang 150,000 ang average ng mga nababakunahan.
Target ng bansa na makapagturok ng 500,000 doses kada araw. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico