Inaasahang darating na anumang oras mula ngayon sa Geneva, Switzerland ang labing anim (16) na miyembro ng delegasyon para dumalo sa isasagawang Universal Periodic Review ng United Nations Human Rights Council.
Pinangunahan nila Senador Alan Peter Cayetano at Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra ang nasabing delegasyon upang idepensa ang war on drugs na inilunsad ng administrasyong Duterte.
Kabilang sa mga kasama sa delegasyon ang mga kinatawan mula sa Presidential Human Rights Committee, Deputy Speaker ng Kamara gayundin mula sa DFA o Department of Foreign Affairs, DOJ o Department of Justice, DOH o Department of Health, DILG o Department of Interior and Local Government at DSWD o Department of Social Welfare and Development.
Kasama rin nila Cayetano sa delegasyon ang mga kinatawan mula sa PNP o Philippine National Police, AFP o Armed Forces of the Philippines at PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency para ilahad ang tunay na datos sa mga nasasawi bunsod ng kampanya ng gobyerno kontra droga.
Paliwanag ni Cayetano, maliban sa sampung (10) buwan ng administrasyong Duterte, kanila ring ilalahad ang mga datos sa kampaniya kontra droga ng nakalipas na administrasyong Aquino sa loob ng limang taon nito sa puwesto.
By Jaymark Dagala
16-man delegation nasa Geneva para idepensa ang PH drug war was last modified: May 5th, 2017 by DWIZ 882