Aabot na sa labing anim (16) na alkalde ang iniimbestigahan ng Department of Interior and Local Government (DILG) matapos matuklasang wala sila sa kanilang lugar sa kasagsagan ng bagyong Ompong.
Ayon kay DILG Undersecretary Bernardo Florece, karamihan sa mga iniimbestigahang alkalde ay mula sa Cagayan at Cordillera.
Sinabi ni Florece na binigyan nila ng limang araw ang mga alkalde upang magpaliwanag.
Titimbangin aniya nila kung katanggap tanggap ang ibibigay na rason ng mga alkalde at kung hindi ay kakasuhan ito sa Ombudsman.
Sinabi ni Florece na papangalanan lamang nila ang mga alkalde sa sandaling matanggap na nila ang kanilang paliwanag.
—-