Sumuko sa militar ang 16 na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao.
Kasabay nito, isinuko rin ng 12 miyembro ng BIFF ang kanilang armas sa 33rd Infantry Battalion sa Barongis Town, habang ang 4 ay isinuko sa 40th Infantry Battalion sa Pendatun Town.
Iprinisinta naman ang mga sumukong rebelde sa presensya ng mga civil official at BARMM spokesperson and Interior Minister Naguib Sinarimbo sa Camp Siongco.
Sinabi umano ni BIFF field commander Wazre Kompas sa militar na sila ay pagod na sa pagtatago at pakikipaglaban sa gobyerno kaya’t napagdesisyunan na nilang sumuko.