Nasagip ng NBI – Anti-Human Trafficking Division ang labing anim (16) na babae na di umano ibinibugaw ng dalawang Chinese nationals.
Tumambad sa NBI ang mga babae labing isa (11) rito ang menor de edad nang salakayin ng NBI ang condo unit sa Makati City ng dalawang Chinese nationals.
Kinukunan di umano ng larawan ang mga babae at inilalako sa isang chat group sa halagang mula P6,000 hanggang P20,000 depende sa personalidad.
Arestado ang dis y otso anyos na si Maxin Landicho na recruiter di umano ng mga kababaihan at isa pang menor de edad ring kasabwat nito.
Nakuha rin sa condo unit ang isang kahon ng lingerie o damit panloob at mga condom.
Maliban sa paglabag sa Anti-Human Trafficking Law at Anti-Child Abuse Law, nahaharap rin sa immigration laws ang dalawang intsik dahil natuklasang visa lamang ang hawak ng mga ito.