16 na bayan sa Region 2 o Cagayan Valley ang idineklarang African Swine Fever (ASF) free na.
Ayon kay Regional Executive Director Narciso Edillo ng D.A. – Region 2, karamihan sa mga idineklarang ASF Free ay mula sa lalawigan ng Isabela na may 11; tig-iisa sa Cagayan at Nueva Vizcaya habang tatlo sa Quirino.
Kabilang sa mga ASF free ang mga bayan ng Benito Soliven, Burgos, Cordon at Echague sa Isabela; Solana sa Cagayan; bagabag sa Nueva Vizcaya at Aglipay sa Quirino.
Inilagay na ang mga nasabing lugar sa pink zone mula sa red na nangangahulugang maaari na muling mag-alaga ng baboy.
Pagkatapos ng anim na buwan na wala nang maitatalang ASF ay maari na muling ilipat sa yellow mula sa pink zone.
Aminado naman si Edillo na may naitatala na namang kaso ng ASF sa Cagayan partikular sa mga frozen meat na nakalulusot pa rin sa mga checkpoint.
Dapat anyang gumawa ng paraan ang mga local government unit dahil sila ang may kontrol sa kanilang mga palengke upang hindi makalusot ang mga frozen meat.