Nareskyu ng mga tauhan ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM) ang 16 na kababaihan matapos salakayin ang Bongao Seaport sa Tawi-Tawi.
Katuwang ng NFWM sa imbestigasyon ang Intelligence operatives at marine battalion landing team 12 ng Naval Task Group Tawi-Tawi.
Nabatid na ang mga biktima ay mula pa umano sa ibat-ibang mga probinsya na binayaran ng P25,000 na placement fee bago dinala sa Zamboanga City at inilipat sa Tawi-Tawi upang ihatid sa kalapit bansang Malaysia sa pamamagitan ng southern backdoor.
Base sa imbestigasyon, ang iba sa mga biktima ay pinangakuan na bibigyan sila ng maayos at mataas na sahod sa Lebanon at Malaysia habang ang iba pa ay domestic helper sa Malaysia.
Dahil sa pangyayari, mas pinalakas pa ng Bongao Municipal Government ang kanilang kampanya kontra illegal recruiters at human trafficking sa kanilang lugar.