16 na katao ang patay habang 6 ang sugatan matapos ang nangyaring landslide sa Western Uganda.
Ito’y matapos makaranas ng walang tigil na pag-ulan sa naturang lugar kung saan nagresulta ng malawakang pagbaha at pagguho ng mga lupa.
Samantala, sa ngayon ay nasa mahigit 300,000 indibidwal na ang naapektuhan sa naturang insidente.