16 na minero ang patay habang siyam na iba pa ang sugatan sa pagguho ng isang coal mine sa Balochistan province, Pakistan.
Ayon sa mga awtoridad, methane gas explosion ang sanhi ng pagguho ng minahan.
Hirap naman ang mga otoridad na ma-rekober ang bangkay ng mga minero lalo’t nabaon sa malalim na tunnel ang mga biktima.
Kilala ang mga minahan sa pakistan para sa mababang safety standards at kakulangan ng bentilasyon.