Kakasuhan na ng PNP-Internal Affairs service o I.A.S. Ang 16 na pulis na sangkot sa pagpatay kay Kian Lloyd Delos Santos.
Ito, ayon kay PNP-Ias Inspector-General, Atty. Alfegar Triambulo, ay matapos makitaan nila ng probable cause o sapat na dahilan upang sampahan ng kasong grave misconduct, serious irregularity in the performance of duty at serious neglect of duty ang mga nasabing pulis.
binatay anya ang kaso sa mga ebidensyang nakalap sa crime scene at salaysay ng mga testigo sa krimen.
Dabit sa administrative case sina Police Officer 3 Arnel Oares, Police Officers 1 JEREMIAS PEReda at Jerwin Cruz na nanguna umano sa pagpatay kay Kian.
Samantala, hindi pa masasampahan agad ng kasong administratibo si dating Caloocan Police Chief, Senior Supt. Chito Bersaluna dahil ito’y presidential appointee kaya’t hihingi muna ng presidential clearance ang I.A.S. mula sa Malakanyang.
By: Drew Nacino / Jonathan Andal
SMW: RPE