Sumuko ang 16 na rebelde sa tulong ng Camarines Norte Provincial Police at ng lokal na pamahalaan para magbalik loob sa pamahalaan.
Isang araw makalipas ang pagdiriwang ng Pasko ay sumuko din ang walo pang kasapi ng mga rebeldeng terorista sa headquarters ng 62 Infantry Battalion sa Brgy Libas, Isabela, Negros Occidental sa pamamagitan naman ng Joint Local Task Force (JLTF)-ELCAC at Local Peace Engagement Cluster.
Kasabay ng kanilang pagsuko ay ang pagsurrender ng kanilang mga armas na kinabibilangan ng ibat-ibang uri ng baril, bala, grenade rifle at iba pang mga armas at pampasabog.
Ayon sa mga sumuko, sila ay mga miyembro ng isang communist group at sangkot umano sa iba’t ibang krimen gaya ng paghingi ng revolutinary tax at pag ambush sa mga pulis at military sa rehiyon.
Matapos ang kanilang pagsuko ay sabay-sabay nilang sinunog ang kanilang CPP-NPA flag para ipakita ang kanilang pormal na pagsuko at pagkalas sa kanilang suporta at ugnayan sa CPP-NPA.
Bilang kapalit, nakatanggap ng christmas gifts at iba pang regalo ang dating mga rebelde mula sa JLTF-ELCAC ng Central Negros at 303rd Brigade. —sa panulat ni Angelica Doctolero