Nareskyu ang 16 na pasahero makaraang lumubog ang bangkang kanilang sinasakyan sa karagatang sakop ng San Pascual, Masbate.
Ayon sa ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG), galing Camarines Sur at papunta sana sa Barangay San Jose sa San Pascual na bahagi ng Burias Island ang bangkang sinasakyan ng mga pasahero nang maganap ang insidente.
Base sa imbestigasyon, sinalubong ng malakas na ulan at sinabayan pa ng malakas na hangin at malalaking alon ang kanilang bangka dahilan kaya tumaob at lumubog ito.
Ayon sa mga nareskyu, tatlong oras silang nagpalutang-lutang sa karagatan bago sila nailigtas ng mga mangingisdang dumaan sa nabanggit na lugar.
Sa ngayon, dinala muna sa Munisipyo ng San Pascual ang mga nailigtas bago ihatid sa kani-kanilang lugar.