Nasa 16.2% o katumbas ng 2,018,289 na populasyon sa Central Luzon ang nakatanggap na ng booster shots laban sa COVID-19.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), mayroong 12,422,172 na populasyon ang pitong lalawigan sa naturang rehiyon noong 2020 census.
Sa inilabas na COVID-19 case bulletin noong May 29 ng Central Luzon Center for Health Development (CLCHD), nasa 8,308,681 o 66.9% ng kabuuang populasyon ng rehiyon ang fully vaccinated na laban sa sakit.
Nabatid na nakapagtala ng 139 new COVID-19 cases ang Region 3 noong May 24 hanggang 30.