16 ang nasawi habang nawawala naman ang 18 indibidwal matapos ang malawakang pagbaha sa Western China.
Ayon sa mga rescuer, umapaw ang tubig sa ilog dahilan kaya binaha ang ilang lugar sa nabanggit na bansa kung saan, anim na libong indibidwal sa 6 na village sa Qinghai Province ang apektado ng pagbaha.
Sa pahayag naman ng emergency authorities, nanggaling ang tubig sa kabundukan at bumagsak ito patungo sa ilog dahil sa walang tigil na pag-ulan.
Nasira din ang ilang mga puno at kalsada habang nalubog naman sa baha ang ilang mga bahay at sasakyan.
Patuloy pang nagsasagawa ng search and rescue operation ang mga otoridad para hanapin ang 18 indibidwal na nawawala.