Patay ang 16 na indibidwal habang sugatan naman ang 30 pa matapos manalasa ang bagyong Eunice sa Northwestern Europe.
Dahil sa pananalasa ng bagyo, nasira ang mga linya ng transportasyon, ilang mga kalsada, mga bahay, tulay at iba pang imprastraktura.
Bukod pa dito, nagtumbahan din ang mga poste, puno at nagliparan din ang mga debris dahil sa lakas ng hangin at pagbugsong aabot sa 196 km/h.
Samantala naputol din ang linya ng kuryente sa ilang lugar dahilan kaya napilitang magsilikas ang mga pamilyang apektado.
Sa ngayon nagsasagawa na ng Rescue operation ang mga otoridad para tulungan ang mga apektadong residente. —sa panulat ni Angelica Doctolero