Labing anim ang patay habang 52 naman ang sugatan sa naganap na bakbakan sa pagitan ng mga armadong grupo sa Tripoli, Libya.
Ayon sa Health Ministry, naganap ang sagupaan kasunod ng karahasan dulot ng pulitika sa nabanggit na lugar.
Matatandaang nag babala ang US embassy dahil posible pang lumala o sumiklab ang gulo bunsod ng agawan ng dalawang mag-karibal na punong ministro hinggil sa pagkontrol sa Central Government.
Dahil dito, nanawagan si US ambassador richard norland sa lahat ng political actors maging sa kanilang mga taga-suporta sa hanay ng mga armadong grupo na mamagitan upang maiwasan ang pagsiklab ng gulo.