Patay ang 16 na indibidwal matapos maganap ang pagsabog sa isang religious school sa Afghanistan.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, naganap ang pagsabog sa gitna ng afternoon prayer ng mga estudyante kung saan, karamihan sa mga nasawi ang mga batang lalaki habang sugatan naman ang iba pa.
Patuloy pang nagsasagawa ng operasyon sa nabanggit na lugar habang inaalam pa ng mga otoridad kung sino at anong grupo ang may pananagutan sa insidente.