Patay ang labing anim na indibidwal sa nangyaring banggaan ng isang Hummer bus at isang truck sa Bauchi, Nigeria, West Africa.
Ayon kay Yusuf Abdullahi, Commander ng Federal Road Safety Corps sa nabanggit na lugar, naganap ang banggaan sa Bambal Village sa kahabaan ng Kano-Jama’are highway kung saan, nagliyab ang naturang bus matapos lumagpak sa isang truck.
Iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang dahilan ng banggaan habang kabilang sa mga nasawi ang 10 lalaki at 6 na babae na patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan. —sa panulat ni Angelica Doctolero