Nakapagtala ng 16 ang patay habang marami ang inilikas matapos ang malakas na pag-ulan sa Eastern India.
Sa pinakahuling tala, nasa 11 ang nasawi sa nangyaring pagguho ng lupa at pagtangay ng tubig sa naturang lugar.
Ang pagbaha at pagguho ng lupa ay karaniwan nang nangyayari sa lugar tuwing tag-ulan.
Ayon sa state disaster management, nasira ang dalawang pampang at ilog kung saan naging sanhi ito ng pagbaha na nakaapekto sa mga residente sa anim na distrito.
Samantala, patuloy ang isinasagawang rescue ng mga otoridad sa mga residente na na-trap sa kanilang mga tahanan.