Labing-anim (16) na hinihinalang terorista na ang napatay habang nasa tatlumpung (30) iba pa ang inaresto ng Egyptian Armed Forces at police bilang bahagi ng kanilang malawakang counter-terrorism campaign, simula noong isang linggo.
Ayon kay Egyptian Army Spokesman, Col. Tamer El-Rifaal, kabilang sa mga tinarget ang mga sasakyang kargado ng mga armas at mga taniman ng opyo sa buong bansa.
Pinaka-tinutukan ang operasyon sa Sinai Region kung saan mahigit tatlundaang (300) katao ang patay matapos pagbabarilin ng mga sinasabing miyembro ng Islamic State, noong Nobyembre.
Ang naturang insidente ang pinaka-madugong pag-atakeng inilunsad ng mga terorista sa Egypt.
—-