Patay ang may 16 na pasahero ng isang eroplano makaraang bumagsak ito sa India.
Nabatid na kabilang sa mga nasawi ang piloto ng Air India Express patungong Dubai.
Sinasabing nagka-aberya sa runway ng Calicut Airport ang eroplano at nahati ito sa dalawa.
Pagkadulas ng eroplano sa runway ng airport ang itinuturong sanhi ng aksidente bunsod ng ilang araw na pag-ulan sa lugar.