Natapos na ng 16 na personnel ng Philippine Military Academy (PMA) ang kanilang pagsasanay ukol sa contact tracing.
Sinasabing ito’y bahagi ng mga hakbang PMA upang ma-contain ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa rehiyon.
Ayon kay Capt. Marnie Abellanida, Police Regional Office Cordillera information officer, nagsanib-pwersa ang PMA, Baguio LGU, at Baguio City Police Office dahilan upang matagumpay na maisagawa ang training ng mga partisipante.
Matatandaang nakapagtala na ang PMA ng mahigit isang daang kaso ng COVID-19.