Sinibak ng Philippine National Police o PNP ang nasa 16 na opisyal nito matapos umanong mabigong matugunan ang illegal gambling sa kanilang mga kinasasakupan.
Kabilang sa mga tinanggal sa puwesto ay ang anim na hepe ng Southern Tagalog Police, limang hepe mula sa Bicol, dalawa sa Central Mindanao at tig – isa sa Western Visayas, Southern Mindanao at Caraga.
Batay naman sa tala ng PNP – National Operation Center umabot na sa mahigit 6,600 ang kanilang naarestong indibiduwal na sangkot sa mga iligal na pasugalan mula Enero 1 hanggang Nobyembre 19.
Habang tinatayang mahigit 8.7 million pesos naman ang halaga ng gambling money na kanilang nakumpiska.
Magugunitang, nitong Agosto lamang ay binigyan ng labing limang araw na taning ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa ang mga regional police directors para sugpuin ang mga illegal gambling operations sa kani-kanilang mga lugar.
—-