Ipinaampon na ng Philippine Drug Enforcement Authority (PDEA) ang labing-anim (16) na retiradong narcotic detection dogs (NDDs) o K9 na matagal na panahong nagsilbi sa ahensya.
Sa isang simpleng seremonya, ipinasakamay na ng PDEA sa mga taong umampon ang mga aso sa PDEA K9 unit facility sa Sitio Lambakin, Barangay Sto. Cristo sa San Jose Del Monte, Bulacan.
Ayon kay PDEA director general Aaron Aquino, 33 aplikante ang sumailalim sa screening at interview para matukoy ang kanilang kakayahang mag-ampon, sang-ayon na rin sa standard operating procedure ng PDEA K9 unit.
Sinabi pa ni Aquino na ang mga retiradong NDDs ay kinabibilangan ng 14 na Belgian Malinois, dalawang (2) Jack Russell Terriers, isang (1) German Shepherd, at isang (1) Labrador.
Hindi naman ipina-adopt ang dalawang (2) Belgian Malinois dahil sa aggressive behavior habang ang isang aso ay may problema sa kalusugan.