Kumpirmadong African Swine Flu (ASF) ang kumapit sa mga alagang baboy sa Rizal at Guiginto, Bulacan.
Ayon kay Agriculture Secretary Willliam Dar, 16 sa 20 blood samples na ipinasuri nila sa United Kingdom ang nagpositibo sa ASF.
Ang mga naapektuhan anyang lugar ay ang ilang pig farms sa Rizal at sa Guiguinto, Bulacan.
Sinabi ni Dar na ilan sa tinitignan nilang posibilidad kung paano nakapasok sa bansa ang ASF ay ang mga dumi o basura ng mga hotels at restaurants at mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na maaaring nakapag-uwi ng produktong gawa sa karne ng baboy mula sa mga bansang apektado ng sakit.