Sugatan ang labing apat (14) na mga turista at dalawang (2) tripulante matapos sumabog ang kanilang sinasakyang pampasaherong bangka malapit sa Phi Phi Le Island sa Krabi Thailand.
Ayon sa pulisya, patungong Phi Phi Le Island ang speedboat na King Poseidon galing Phuket nang umapoy at sumabog ang makina nito.
Pito sa labing anim na nasugatan ay dinala na sa ospital sa Phuket para ipagamot habang na-discharged na ang siyam na iba pa.
Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang naging dahilan ng pagsabog.
—-