Pinalaya na ang labing anim na taong gulang na si Abdulrahman Maute na kabilang sa pitong hinarang sa NAIA Terminal 3 kahapon.
Sa panayam ng DWIZ Patrol sa ilang NBI agents sa paliparan, napatunayan na hindi ito ang subject ng warrant of arrest na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Una nang nadiskubre na nasa blue notice ng Philippine Transnational Crime ang nasabing menor de edad.
Gayunman, kinakailangang kumuha ni Abdulrahman Maute ng clearance sa Defense Department upang matanggal ang kanyang pangalan sa blue notice at para payagan na siyang makalabas ng bansa ng Bureau of Immigration (BI) patungong Kuala Lumpur, Malaysia.
Meann Tanbio | Story from Raoul Esperas