160 miyembro ng Presidential Security Group (PSG) ang nagpositibo sa COVID-19 matapos na maisalang sa rapid test simula noong Marso.
Gayunman, sinabi ni PSG Commander Col. Jesus Durante III, isa lamang sa nabanggit na 160 ang nagpositibo sa COVID-19 confirmatoriry test gamit ang polyremase chain reaction (PCR) test kit.
Sa kabila nito, tiniyak ni Durante na nananatiling ligtas laban sa virus si Pangulong Rodrigo Duterte at hindi nagkaroon ng exposure sa nagpositibong PSG member.
Aniya, hindi kabilang sa close-in security detail ng Pangulo ang nabanggit na PSG member na kasalukuyan na ring nakarekober sa sakit.
Samantala, sinabi ni Durante na sumailalim din sa 14 na araw na self-quarantine ang nalalabing miyembro ng PSG na nagpositibo sa rapid COVID-19 test bagama’t negatibo sa PCR test para makasiguro.