Tinatayang nasa 161 unibersidad at kolehiyo na ang pinayagan ng Commission on Higher Education (CHEd) na magsagawa ng limitadong face-to-face classes.
Ayon kay CHEd Commissioner Prospero De Vera, posibleng magbukas na rin sa Enero ang iba pang mga paaralan.
Sa ilalim ng guidelines ng CHEd, dapat na i-retrofit ng mga paaralan ang kanilang mga pasilidad para sa face to face classes, at dapat na bakunado na rin ang mga guro at estudyante.
Sinabi pa ni De Vera, na ”optional” lamang ang face to face classes, at maaari pa ring ipagpatuloy ng mga estudyante ang flexible learning gamit ang online o offline platforms. —sa panulat ni Hya Ludivico