Kumpirmadong married na ang status ng Grammy-Winning Singer na si Adele.
Ikinasal si Adele sa kanyang long time boyfriend na si Simon Konecki na isang charity CEO.
Sa kanyang concert sa Australia ginawa ni Adele ang kanyang rebelasyon matapos itong magbalik tanaw sa kanyang mga nakalipas na relasyon at maka-move on matapos ngang ikasal.
Matatandaan na nitong January lamang ay naging usap-usapan nga rin ang pagiging married woman ni Adele ng makitaan ng sing-sing sa kanyang daliri.
By Jenny Valencia