Makauuwi na ng Pilipinas ang 163 Pilipinong na-stranded sa Myanmar ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon sa DFA, kabilang sa mga makauuwi ay apat na senior citizens, 14 na menor de edad at tatlong sanggol.
Tinatayang may kabuuang bilang na 334 Pilipino na ang napauwi ng bansa na mga kapwa na-stranded sa Myanmar dulot ng travel restriction dahil sa pandemyang COVID-19.
Dagdag ng DFA, aabot na sa 400,000 ang kabuuang bilang ng mga Pilipinong nakauwi na ng bansa —sa panulat ni Agustina Nolasco