Malapit na maabot ng Baguio City ang target na bilang ng populasyon na dapat bakunahan kontra COVID-19.
Ayon kay Mayor Benjamin Magalong, umabot na sa 207, 626 indibidwal o 73.86% na ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna habang 163, 554 indibidwal o 57.80% ang kumpleto na ng bakuna mula sa kabuuang populasyon na 281,000.
Samantala, inabisuhan ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. Si Magalong na maaaring magsimula ang Pediatric Vaccination sa Nobyembre. —sa panulat ni Airiam Sancho