Aabot sa 643 indibidwal o 164 pamilya ang naapektuhan ng bagyong Karding sa 28 barangay sa Cagayan, MIMAROPA, Bicol, western Visayas, at Cordillera.
Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 147 pamilya ang nananatili sa 34 na evacuation centers, habang labing tatlong pamilya naman ang nasa labas ng evacuation centers.
Tinaya sa P1-M ang halaga ng pinsala sa imprastraktura na naitala sa MIMAROPA, habang dalawang kalsada sa Bicol ang hindi pa rin madaaanan.
Samantala, sinabi pa ng NDRRMC na 12 siyudad at munisipalidad ang nakaranas ng power interruptions.
Nananatili namang stranded ang mahigit 2,700 pasahero sa iba’t ibang pantalan sa Luzon, kung saan karamihan ay mula sa Bicol region na may 1,944; MIMAROPA, 472; at CALABARZON 321.