Patuloy na nakapagtatala ng mga pagyanig sa paligid ng Bulkang Taal ang PHIVOLCS.
Sa nakalipas na magdamag, nasa 164 volcanic earthquakes at 67 tremors ang naitala sa bulkan.
Ayon sa Taal bulletin, tumatagal ang mga aktibidad ng bulkan ng isa hanggang dalawang minuto mula sa tatlong hybrid events.
Na-obserbahan din ang pagbuga ng steam-laden plumes ng bulkan na umaabot sa 20 meters ang taas.
Patuloy naman ang paalala ng PHIVOLCS na ikinokonsiderang permanent danger zone ang Taal Volcano Island kung saan, nangangahulugang walang sinuman ang pinahhintulutang pumasok sa lugar.