Bumubuo na ng task force na tututok sa “rent sangla” modus na bumibiktima ng mga car owner.
Kabilang sa task force rent-sangla ang mga miyembro ng Department of Justice, National Bureau of Investigation at Philippine National Police.
Ayon kay PNP-Highway Patrol Group Spokesperson, Senior Insp. Jem Delantes, ikinunsidera nila ang laki ng krimen na kinasasangkutan ng sindikatong nasa likod ng rent-sangla at dami ng mga biktima at sasakyang tinangay.
Samantala, umabot na sa 604 na sasakyang target ng sindikato ang narekober ng PNP-HPG sa buong bansa.
By: Drew Nacino