Pinayagan na ng Commission on Elections ang 165 party-list groups na lumahok sa raffle na tutukoy sa pagkakasunod-sunod nila sa official ballots sa May 9, 2022 polls.
Sa 18 pahinang Resolution 10735, isasagawa ang raffle sa December 10, alas-dyis ng umaga.
Kabilang sa mga pinayagan ng poll body ang Mother For Change o MOCHA Party-list ni OWWA Deputy Administrator Mocha Uson bilang first nominee, kasama si Beauty Queen Michele Gumabao;
Malasakit Movement Partylist ni dating MMDA Spokesperson Celine Pialago at Advocates for Retail and Fashion, Textile and Tradition, Events, Entertainment & Creative Sector o ARTE ni Binibining Pilipinas Universe 2011 Shamcey Supsup-Lee, bilang 1st nominee.
Gayunman, 107 grupo ang hindi pinayagan ng COMELEC kabilang na ang Dunong at Ulirang Tao Edukadong Rebolusyong may Talas sa Ekonomiya ng Bayan sa Gawain at Adhikaing Nasyonalismo Party-List;
Duterte Atin To; LGBTQ Plus at National Organization for Responsive Advocacies for the Arts kung saan 1st nominee si Veteran Actress at Superstar Nora Aunor. —sa panulat ni Drew Nacino