Tiniyak ng Philippine Coast Guard o PCG ang seguridad ng mga turistang bibyahe at magbabakasyon ngayong nalalapit na summer season.
Ito ay kasunod na rin ng magkahiwalay na insidente ng pagsadsad at pagkasunog ng dalawang barko ng Montenegro Lines sa karagatang sakop ng Batangas.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ng Philippine Coastguard Spokesperson Commander Armand Balilo, patuloy ang kanilang koordinasyon sa MARINA o Maritime Industry Authority upang suriin ang mga barko bago bumiyahe.
Dagdag pa ni Balilo, kanila ring sinusuri ang mga sikat na pinupuntahan mga beach resorts para maiwasan na ang insidenteng tulad ng pagkalunod.
Samantala, nagbigay naman ng paalala si Balilo para sa mga bibiyahe ngayong bakasyon.
PAKINGGAN: Pahayag ni Philippine Coastguard Spokesperson Commander Armand Balilo
By Krista De Dios