Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na marami pang abusadong pulis ang maaalis sa serbisyo at masasampahan ng kaso.
Ito’y ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar ay kasunod ng nagpapatuloy na kampaniya para sa internal cleansing o paglilinis sa kanilang hanay.
Batay aniya sa datos ng National Police Commission (NAPOLCOM), nasa 166 na mga pulis ang naparusahan na mula noong Marso hanggang Hulyo.
Sa nasabing bilang, 75 sa mga ito ang sinibak sa serbisyo, 48 ang na-demote habang nasa 43 ang suspendido.
Siniguro pa ni Eleazar na dumaan sa mabusising imbestigasyon ang mga kasong administratibong isinampa laban sa mga abusado at tiwaling pulis.