Nakapagtala ng 1,682 na bagong kaso ang Department of Health (DOH) mula Hunyo 6 hanggang 12 ngayong taon.
Batay sa datos ng DOH, ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 240, mas mataas ng 30.4% kung ikukumpara sa mga kaso noong Mayo 30 hanggang Hunyo 5.
Samantala, muli namang pinaalalahanan ng ahensiya ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19 at patuloy na sumunod sa minimum public health standards.