Umabot na sa mahigit 16k hectares ng agricultural land ang naapektuhan ng bagyong Karding sa Luzon.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Department of Agriculture (DA) undersecretary Kristine Evangelista na nasa 740 magsasaka rito ang apektado.
Anya, tuloy pa rin ang assessment ng kagawaran sa mga lugar na tinamaan ng bagyo.
Dagdag pa ni Evangelista, tinitingnan din nila kung gaano kalaki ang epekto ng bagyo sa rice situation.
Samantala, sinabi ni Evangelista na mamimigay sila ng binhi sa mga apektadong magsasaka.