Nakapag-ambag ang isang telecommunications company o telco ng milyun-milyong pisong halaga ng tulong sa mga pamilya at komunidad na naapektuhan ng bagyong Odette sa ilang bahagi ng bansa noong Disyembre.
Nabatid na nakakolekta ang Globe, nangungunang digital solutions platform, ng kabuuang P36.7 million na halaga ng donasyon para ibigay na tulong sa mahigit 16,000 pamilya, at hinayaan ang telco, TM, at GOMO customers na makalikom ng mahigit P2.9 million pang halaga ng ayuda para sa mga biktima ng bagyo.
Sa pamamagitan ng ground teams ng kompanya, ito ay nagkaloob ng tulong sa 5,094 pamilya sa mga komunidad sa Palawan, Butuan, Cagayan de Oro, Camiguin, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Bohol, Cebu, Iloilo, Negros Occidental and Oriental, at Southern Leyte.
Sa tulong ng partner organizations tulad ng Ayala Foundation, GMA Kapuso Foundation, at Rise Against Hunger Philippines, ang Globe ay nagbigay rin ng relief at support para sa 11,777 pamilya sa mga apektadong lugar.
Naglagay rin ito ng mahigit 130 Libreng Tawag at Libreng Charging sites sa mga apektadong rehiyon upang matiyak na ang typhoon survivors ay mananatiling connected sa kanilang mga mahal sa buhay.
Patuloy naman ang technical teams ng kompanya sa restoration works para maibalik sa normal ang mga serbisyo sa iba pang mga apektadong lugar.
“We know that this is still a difficult time for our kababayans. Typhoon Odette hit the country last December, but its effects are still being felt to this day. We want our customers to know that we are doing everything we can to serve and extend help in the affected communities,” sabi ni Yoly Crisanto, Chief Sustainability Officer at SVP Group Corporate Communications Officer ng telco.
Kabilang din sa iba pang mga tulong na ipinagkaloob ng Globe sa Odette-hit communities ang mga sumusunod:
●Libre at unlimited GoWifi services sa mga piling malls, airports at government offices
●Discounted promos at free 1-month subscription sa telehealth provider KonsultaMD para sa Globe at TM customers
●Tatlong araw na libreng 5GB connectivity para sa 107,000 Home Prepaid WiFi customers ng telco
●1-month free KonsultaMD subscription para sa 147,000 broadband customers
●Reseeding ng unused at expired load para sa kanilang Business prepaid customers
●Extended payment due dates para sa apektadong Globe Business, Globe At Home, Globe Platinum, at Globe Postpaid mobile customers, kasama ang Financial Care Program
●Bill rebates para sa severely affected customers
●Relief fund access sa mahigit 200 businesses
●Priority access sa customer hotline para sa 86,000 postpaid subscribers
●After-sales fast lane access para sa Business customers ng kompanya
●Broadcast messaging service support para sa 83 typhoon-hit localities at MSMEs sa loob ng isang buwan via M360