Kaloboso ang dalawang lalaki kabilang ang isang menor-de-edad matapos mahulihan ng 2.8 million pesos na halaga ng marijuana sa buy bust operation sa Malolos City, Bulacan.
Kinilala ni Col. Rommel Ochave, acting director ng Bulacan Provincial Police Office, ang suspek na si Archie Sabado, 32 anyos ng Bongabon, Nueva Ecija at isang disi syete anyos na lalaki mula Cainta, Rizal.
Ayon kay Ochave, ikinasa ang operasyon ng drug enforcement unit ng Malolos City police station laban sa mga suspek sa barangay Panasahan.
Bukod sa dalawampung Bricks Marijuana, nakumpiska rin mula sa dalawa ang mga cellphone, sasakyan at buy bust money.