Arestado ang isang 17-anyos na lalaki matapos ang ginawang pagpatay sa isang school principal sa Roxas City, Capiz.
Inarestado ang binatilyo sa kanilang bahay sa brgy. Balat-an, Mambusao, Capiz.
Ayon sa suspek, nag-iinuman sila sa apartment ng biktimang si Jun Mencedez, 57-anyos sa brgy. Mongpong nang tangkain umano siyang gamtin ng principal dahilan para manlaban ito at nagawang saksakin ang biktima gamit ang gunting.
Batay sa autopsy report, nagtamo ng maraming saksak sa katawan at leeg ang biktima na nagresulta sa kaniyang agarang pagkamatay.
Sugatan din sa pananaksak ang anak ng biktima matapos nitong pigilan ang suspek na mabilis tumakas pero agad ding nahuli ng mga otoridad.
Sa ngayon, hinihintay pa ang magiging desisyon ng Roxas City Social Welfare and Development Office para sa isasampang kaso laban sa suspek.