Arestado sa Meycauayan sa Bulacan ang 17 taong gulang na lalaki matapos magnakaw umano ng P5-milyong cash sa isang contruction company.
Batay sa Bulacan police, sinabi ni Director Colonel Rommel Ochave na pumasok noong Pebrero a-6 dakong alas-8 ng gabi ang suspek sa Sinian International Corporation sa barangay Pantoc.
Dumaan ito sa kisame matapos sirain ang sementadong bakod at pvc pipe.
Dito na kinuha ng suspek ang mga pera matapos sirain ang vault.
Nakatakas naman ang kasama ng suspek na isang menor-de-edad.—sa panulat ni Abby Malanday