Labing-pitong (17) bangkay kabilang ang limang (5) pugot na katawan ng sibilyan ang narekober sa Marawi City sa gitna ng nagpapatuloy na bakbakan.
Ayon kay Lt. Col. Jo-Ar Herrera, Spokesman ng Joint Task Force Marawi, narekober ang mga bangkay ng mga pulis, sundalo at civilian volunteer sa barangay Gadungan.
Isa anya itong indikasyon na brutal at walang kaluluwa kung pumatay ang mga miyembro ng ISIS-Maute Group.
Gayunman, hindi pa anya nakikilala ang mga narekober na bangkay ng mga sibilyan.
Posible namang lumobo pa ang bilang ng mga nasawi lalo’t hindi pa nasusuyod ng mga tropa ng gobyerno ang iba pang bahagi ng lungsod na nabawi mula sa kamay ng teroristang grupo.
By Drew Nacino
17 bangkay kabilang ang 5 walang ulo narekober sa Marawi was last modified: June 29th, 2017 by DWIZ 882