Umabot na sa 17 mga bansa at teritoryo sa mundo ang nagsara ng bank accounts ng mga remittance companies ng Pilipinas.
Ayon kay Toots Ople ng Blas Ople Policy Center, ito ang latay sa mga Overseas Filipino Worker (OFW’s) dahil sa mahinang Anti-Money Laundering Law sa Pilipinas.
Tinukoy ni Ople ang New Zealand kung saan halos 5 beses aniya ang itinaas ng binabayaran ng mga OFW’s sa pag-reremit ng pera sa Pilipinas matapos isara ang bank accounts ng mga remittance centers ng Pilipinas.
“Puwede nilang sabihin huwag nang Pilipinas, doon na lang kayo sa mga bangko namin, safe pa dahil kayo meron kayong mga kaso ng money laundering, kailangang proteksyunan namin ang financial system namin, ang latay kasi nito ay sa mga OFW eh.” Pahayag ni Ople.
By Len Aguirre | Ratsada Balita