Patay ang 17 Chinese coal miners nang masira ang lift na dapat mag-aangat sa mga taong nasa ilalim ng minahan.
Ayon sa mga otoridad, nasunog ang kable na sumusuporta sa mining cage kaya’t nadisgrasya ang mga minero ng coal mine na pinatatakbo ng gobyerno sa lalawigan ng Heilongjiang.
Ikinulong na ng mga otoridad ang 12 welder dahil sa posibleng paglabag sa safety regulations.
Sinuspindi na rin ang manager ng nasabing coal mine.
By Judith Larino